Pages

Thursday, October 25, 2012

10/25/2012

Good morning! I just finished watching Hotel Transylvania. Ganda! Hihihiihii. Ang cool lang ni Dracula! Lol. Anyways, Kagigising ko lang kaninang mga 9pm, diretso dinner kaagad kasi gutoms na ako. Buti na lang nagluto si Pao. Grabe! Tulog mantika lang talaga ako kanina. 3pm to 9pm ba naman akong tulog. Di ko na nga napagbuksan ng gate si Sissy eh! Tsktsktsk. For sure masama loob nun sken. Hihihihiii. Sarap lang talaga kasi ng tulog ko kanina. Aga-aga ko kasi nagising kasi kailangan kong mag-enroll. Buti na lang sinamahan ako ni Nunoy! Hahahahaa! Thanks to my ever loving cousin! Ayun. Ok naman na ako about sa school, buti na lang ngayon naka-24 units na ako! Meaning full load ako ngayong semester kesa nung last sem na 15 units lang! Ang konti diba. Ayun.

Hindi na kami tuloy na Bff's sa Batangas by the weekend. Tangina kasi ni Cocoy eh! Gusto niya magbawas ako sa mga kaibigan ko! Ayoko namang gawin yun noh! Ayokong maging unfair sa kanila. Kaya hindi na lang ako sasama. Mag-iinom or mag-susushi party na lang siguro kami dito sa bahay. Di ba! Mas okay pa yun. </3

Monday, October 22, 2012

10/22/2012

Bad day! Well, hindi naman masyado, ngayong gabi lang. Nakakainis kasi eh! Pati ba naman pag-eenroll ko pinagaawayan pa namin. Kesho naiinis na naman daw siya sa akin. Bakit ba? Ikaw ba yung mag-eenroll ha? Palibasa ginagaya mo ko sayo. Magkaiba kaya tayo! Hindi ako katulad mo mag-isip noh. Nagiging praktikal lang naman ako dahil ayokong mahirapan sa enrollment ko. Try mo kayang mag-enroll sa school na hindi maganda ang enrollment system! Buti pa sa CEU. Eff! Mag-eenroll naman ako within this week not school week! Bwiset! Well, enough of shits. Maganda naman yung araw ko eh, kagabi at kanina. Ngayon lang talaga hindi. Sana hindi na lang pala ako nagising kanina nung natulog ako ng hapon.

Anyways, Sissy slept here yesterday. Sinamahan niya ako kasi loner na naman ako dito sa bahay. The boys as usual are always out. Ayun! Net lang and soundtrip tas by midnight nung tulog na si Sissy, I watched Diary of a Wimpy Kid! A very funny movie! Hihihiii. Ang cute lang ni Roderick. Lollollloll. Puro movies na nga lang ang inaatupag ko these past few days eh, just to keep me busy! Ayoko na muna kasi mag-isip isip eh. Nakaka-stress! Feeling ko ang dali-dali kong mastress ngayon kahit pa napakaliit lang ng problema. I just want to avoid them for now! SEMBREAK naman eh! Kaya pwede sana lubayan niyo muna ako. Maawa naman kayo sa akin. My effin body clock now is so annoying dahil na nga din sa stress. </3

Saturday, October 20, 2012

10/20/2012

Just finished watching The Lucky One! Ang gandaaaaaaaa ng story. Kainlove! Kamukha ni Katy Perry si Taylor Schilling and ang super hot din ni Zac Efron! Lololollol. And now, I'm done downloading Beastly. Vanessa Hudgens naman after Zac Efron ansaveh! Hahahahaa! Kaloka. Oh well, highlight of the day: we ate breakfast kanina sa Mcdo Boni ni Sissy then headed to school. Hindi ako nakapag-enroll kanina kasi hindi ko alam kung saan ako magsisimula eh, nagpasama pa ako kay Sissy wala din namang nangyari tas ayun super haba nga ng pila! Nakakaloka super. Walang maayos na enrollment system ang school, halo-halo ang mga courses na nag-eenroll hindi katulad sa CEU na by college. Buti na lang may makakasabay pa akong mag-enroll sa Monday. Sina Ate Krista tsaka si Alma na galing ding mga CEU. Two of my good friends at school. Ayoko kasing kasabay mag-enroll yung isang classmate ko eh. Coz' I really don't like her attitude, to think na bata pa lang siya pero kung umasta malala sobra. Di ko kineri! Tsk. After that, uwi ng bahay, net, kaen ng lunch tas natulog kami buong mag-hapon ni Sissy, super antok kasi kami eh. Ayun! Anywaysss, hindi pa din nagpaparamdam hanggang ngayon si Eugene, nasan na kaya sila ngayon? I hope they are safe. Miss na miss ko na siya. Sana talaga December na. Can't effin wait to see him! Huhuhuhuhuuuhu! </3

Thursday, October 18, 2012

10/18/2012

Oh well! Good morning. Just finished watching The Lorax. A super good movie! Love it so! Well, wala na akong ibang ginawa kundi manuod ng mga dinownload kong movies like To Rome with Love, Brave, Magic Mike and last nga yung The Lorax and matulog, kaen too. Ayun! Super productive day diba! Ahahahaaa. BUM na BUM lang ang peg! Well, bukas enrollment ko na naman! Ang bilis diba! Tapos sa Oct 29. pasukan na ulit!! Awwwe! Good luck to me! Kaya ko toh! Ahihihiii. I should sleep na! Pagod na mata ko kakanuod. Hehehehe!! Goodmornight! XO

Wednesday, October 17, 2012

10/17/2012

Oh well, I just finished watching Pretty Little Liars season 3 episodes 10-12. I can't wait for the Halloween special! Hihihihiii. Well, THAT GIRL just had 58 views. Can't believe! At sino naman kaya ang matiyagang magbabasa ng blog ko. Hahahaha! Lol. Earlier, Sissy and I went to Starbucks ayun medyo late na nga eh pero okay lang, buti na lang nandun yung fave barista namin. Hehehehehee! Chit chat, played iPad and wrote something on my journal. And now it's already 3:15 am and I'm still effin up watching The Prince and the Showgirl of Marilyn Monroe. Hindi ko pa kasi tapos eh. And I'm still downloading some new movies and songs. Arrrrgggghhhh!!! Kailangan ko na talaga ng bagong hard drive! Mapupuno na naman kasi memory nitong lappy ko eh baka masira na naman. Oh! I wish someone will buy a new laptop, mine's is soooo JURASSIC na! Walang webcam, walang speaker, at napakabagal. Haaaay! Poor me. </3

Monday, October 15, 2012

10/15/2012

Well, it went quite fine. Hihihihii! Movie trip with my friends Janina, Harold and Doris. Yung pinanuod pa namin ay ang walang kamatayang Crazy Little Thing Called Love. Hahahahaaa. Ampogi talaga ni Mario Maurer. Ilang beses ko ng napanuod yun pero hindi ko natapos nor nabuong panuorin, kanina lang talaga! Laging gitna lang kasi yung napapanuod ko kapag pinapalabas yun eh. Well, while watching the movie, nag-order kami ng Mcdo Happy Bundle. Soroooop soroooop! Hihihihi.. Busog lang! Kwentuhan, yosi tapos bili-bili sa pre-loved things ko. Hehehehe. Ayun! Later naman sasamahan ko si betch sa Dcan kasi kukuha daw siya ng TOR niya. Goodluck to her. </3

Sunday, October 14, 2012

10/14/2012

Sunday loner bummer. Sorry for not updating that much. I'm so busy as bee. Hahaha! Well, weekend has been great and weekdays too. Wednesday catch up with my betch KC, dinner at Mcdo, got my pasalubongs tapos Beanperk while waiting Marge. Thursday nomnomnom at KC's place with Marge and her boyfie tapos dun na din ako nag-overnight. Hahahaa. Saya lang. Yung ininom namin GSM Brown Coffee na sobrang sarap. Walang tama, nakakaantok lang. Ayun while having nomnom sessions kausap ko si Eugene sa phone nasa bandang Manila Bay sila at that time. Pabalik na kasi sila ng Japan ngayon. Ahuhuhu! Can't wait to have Skype with him. && by Saturday, betch and I went to Mega to have my nails done at Posh Nails. Ganda lang! Tapos dinner at Komoro Soba then uwi sa kanila tapos Beanperk ulit! Hahahaaa. Halos kasama ko na si betch the whole week. Certified bummer lang talaga ang peg namin pero saya naman!  Hihihi.. Plans for tonight? I don't know. Hahaha!! Sabi nila pupunta sila dito eh pero hindi pa sure, sana wala na munang inom. Pass muna akech. Hahaha!! Hang-out lang ang peg namin dito sa balor. </3

Wednesday, October 10, 2012

10/10/2012

Late night and I'm still talking to my Baby love! Hahahahaaa. Wala lang! Ang saya lang. Kung anu-ano lang ang mga mapagusapan namin. Can't wait for him to come back home. Ayun! Baka abutin na naman kami ng 4am or 5am nito! Tsktsk. Tapos gigising na naman ako ng 3pm. Lololloll. My plans for tomorrow: go to grocery and have a catch up with my bff KC kasi kauwi lang niya from Singapore. Yay! Pasalubongs :D Hihihiii! Sana lang matuloy at sana hindi ako tamarin. Anyways, sorry for not updating last night! Katamad kasi mag-online dito sa laptop eh and hindi ko naman feel mag-blog gamit ang iPad. Hehe. Ciao! Till later.. </3

Monday, October 8, 2012

Mommy

Namimiss ko na Mommy ko! Sana hindi na lang siya kinuha kaagad ni Lord. Namimiss ko yung pag pupunta kami sa Megamall ng kaming dalawa lang, yung tipong patakas pa kami aalis kasi baka makita kami nila Pao and Coy, baka sumama din kasi. Hahahaa. Naalala ko din noon nung binilhan niya ako ng Olive Oyl na stroller for school sa Sanrio na napakalaki dati pero ngayon KFC na siya sa Megamall. Lolollol. I just miss her so much! Ano kaya ang feeling ng may Mommy na sumusubaybay sa iyong paglaki noh? Coz' I really don't know that feeling. I really envy my friends or anyone na nakikita kong merong mga nanay and naiinis din talaga ako dun sa mga taong makapag-post, makapagsalita ng kung anong masasama about sa nanay nila. Buti nga sila may nanay pa eh! Paano kung kunin din ni Lord kaagad yung nanay nila. Di ba? Ang hirap kaya ng ganun. Anyway, kahit wala akong Mommy proud pa din ako kasi hindi naman ako naging masamang anak as in literal na masama, oo pasaway ako pero my guardians can still handle that. Haha! Hindi pa naman ako yung sa stage na as in sobrang sama na, (never will be!) Nagtataka lang din ako dun sa mga taong may magulang pero pasaway sila yung tipong wala ng ginagalang. Paano kaya nahahandle yun nga magulang nila? And hindi ba nila naiisip na masakit yun sa part ng magulang nila? I admit I've done things na nasaktan ko Daddy ko, mga Tita, and Lola/Lolo ko pero I'm trying to change para sa kanila because I want them to be proud of me.

Ako wala na ngang Mommy, wala pa ding Daddy kasi nasa ibang bansa siya working. Hindi din naman kami ganun ka-close ng Daddy ko. Ni hindi nga niya alam ang favorite color ko eh! Pero palagi kong naririnig sa kanya dati na ako daw yung paborito niyang anak. I don't think so? Wala nga akong maalalang bonding moments namin nung maliit pa ako eh. Pero kahit ganun mahal ko pa din Daddy ko kasi magulang ko pa rin siya, kung hindi din dahil sa kanya wala siguro ako dito, hindi siguro ako nagbblog ngayon. Hahahaaa. Kahit na may pagka-immature si Daddy minsan dahil sa mga stupid crazy love lives niya na hindi ko talaga maintindihan, mahal ko pa din siya. Kahit hindi na niya binibigay yung mga gusto ko ora-orada kasi may kaagaw na ako! Haaaay. Don't wanna think about her (the bitch!) Still, Daddy ko pa din yun kailangang respetuhin and sundin.

What if hindi nangyari yung ganitong pangyayari sa pamilya namin? Siguro mas masaya ako ngayon kasi buo ang pamilya ko and siguro graduate na din ako ngayon. I wonder kung strict si Mommy kung buhay siya ngayon or cool like my friends mothers. Sana both! Hahaaa. Sana ngayon may kabonding din ako sa pagsshopping before I remember mahilig din si Mommy magshopping, kung saan saang store siya napasok kasama ako. Ang hirap kasi minsan mamili ng mag-isa ka, wala kang mapagtatanungan and the like kaya kailangang bitbitin ko pa si Sissy Janin tuwing magsshopping ako. Hahaa! && minsan kapag sila Daddy, Pao, Coy, Louie yung kasama ko sa mall, sobrang hirap mamili kasi nasa labas lang sila ng store! Literal. Naghihintay lang sa akin. Kaloka di ba! Eh kung may Mommy ka, mas madali lang ang buhay diba? May nanay/bestfriend ka pa.

Kung pwede lang talagang ibigay ni Lord yung hinihiling ko. Magpapakabait na talaga ako. Kakalimutan ko yung mga nangyayari sa akin ngayon. Igigive-up ko ano man kung anong meron ako kahit pa love life yan basta makasama ko lang ulit Mommy ko. Wala na sigurong mas sasaya pa sa akin nun! If only God can grant my wish. :)

Oh well!

I just want yah to know that this is my newest blog site though I will still update the oddaaa sites. This is moii personal online diary! Lolololl. Inspired by Jenna Hamilton of Awkward. Haha! && in this site I can use Tagalog because it's my first language yahh knoww coz' on my other blog sites I only use English! Haha! Much more personal because it's really fcuking ME! me as in me! as in -- LOUDETTE MARIE TARIO HIPOLITO :) </3

This Love Will Be Your Downfall

Everything has changed.
I am broken.
Can't turn back time.
End it all and time will fly by.

Save me from this tormented feelings.
I hate being like this.
The girl with broken wings.


10/8/2012

Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Ang bigat lang talaga ng loob ko ngayon. Hindi ko ineexpect na yun yung sasabihin niya sa akin. Asang-asa pa man din ako na ipapakilala niya ako sa parents niya pero hindi pala. Hindi pa daw tama yung panahon para dun dahil nga sa mga nangyari sa amin. Ang point ko lang naman eh sana yung mga ganung bagay sinarili niya na lang para hindi na ako nasaktan. Ang sakit sakit lang talaga eh! Gusto kong umiyak ng lang ng umiyak pero wala na akong maiyak eh! Pakshet lang talaga. Tangina! Sana hindi ko na siya pinakilala kay Daddy! Ang hirap hirap pa man din magpakilala ng mga nagiging boyfriend dun! Pasalamat siya at nandito si Daddy kaya ko siya napakilala. Hindi ako open sa Daddy ko about sa fcuking lovelife kasi nga malayo siya sa amin. Di katulad ng kela Nanay and Tatay! Sa totoo lang sila Nanay at Tatay ang parents ko talaga eh! Yung Daddy ko siya lang gumawa sa akin eh. Wala namang paki yun. Meron siguro pero hindi na katulad ng dati kasi busy na siya sa bagong pamilya niya. Haay! Whatta fucking life! Ang hirap madisappoint! Ang hirap din umasa! Ang hilig ko pa man din umasa sa mga bagay bagay, pero nauuwi din sa wala. Nga nga na lang tayo! Siguro kailangan ko ng baguhin yung ganong pag-uugali. Ayoko ng umasa. Ang hirap kasi masaktan eh! Ang hirap para sa akin kapag nadidisappoint ako sa isang bagay. Ang hirap magmove-on. </3