Pages

Monday, October 8, 2012

Mommy

Namimiss ko na Mommy ko! Sana hindi na lang siya kinuha kaagad ni Lord. Namimiss ko yung pag pupunta kami sa Megamall ng kaming dalawa lang, yung tipong patakas pa kami aalis kasi baka makita kami nila Pao and Coy, baka sumama din kasi. Hahahaa. Naalala ko din noon nung binilhan niya ako ng Olive Oyl na stroller for school sa Sanrio na napakalaki dati pero ngayon KFC na siya sa Megamall. Lolollol. I just miss her so much! Ano kaya ang feeling ng may Mommy na sumusubaybay sa iyong paglaki noh? Coz' I really don't know that feeling. I really envy my friends or anyone na nakikita kong merong mga nanay and naiinis din talaga ako dun sa mga taong makapag-post, makapagsalita ng kung anong masasama about sa nanay nila. Buti nga sila may nanay pa eh! Paano kung kunin din ni Lord kaagad yung nanay nila. Di ba? Ang hirap kaya ng ganun. Anyway, kahit wala akong Mommy proud pa din ako kasi hindi naman ako naging masamang anak as in literal na masama, oo pasaway ako pero my guardians can still handle that. Haha! Hindi pa naman ako yung sa stage na as in sobrang sama na, (never will be!) Nagtataka lang din ako dun sa mga taong may magulang pero pasaway sila yung tipong wala ng ginagalang. Paano kaya nahahandle yun nga magulang nila? And hindi ba nila naiisip na masakit yun sa part ng magulang nila? I admit I've done things na nasaktan ko Daddy ko, mga Tita, and Lola/Lolo ko pero I'm trying to change para sa kanila because I want them to be proud of me.

Ako wala na ngang Mommy, wala pa ding Daddy kasi nasa ibang bansa siya working. Hindi din naman kami ganun ka-close ng Daddy ko. Ni hindi nga niya alam ang favorite color ko eh! Pero palagi kong naririnig sa kanya dati na ako daw yung paborito niyang anak. I don't think so? Wala nga akong maalalang bonding moments namin nung maliit pa ako eh. Pero kahit ganun mahal ko pa din Daddy ko kasi magulang ko pa rin siya, kung hindi din dahil sa kanya wala siguro ako dito, hindi siguro ako nagbblog ngayon. Hahahaaa. Kahit na may pagka-immature si Daddy minsan dahil sa mga stupid crazy love lives niya na hindi ko talaga maintindihan, mahal ko pa din siya. Kahit hindi na niya binibigay yung mga gusto ko ora-orada kasi may kaagaw na ako! Haaaay. Don't wanna think about her (the bitch!) Still, Daddy ko pa din yun kailangang respetuhin and sundin.

What if hindi nangyari yung ganitong pangyayari sa pamilya namin? Siguro mas masaya ako ngayon kasi buo ang pamilya ko and siguro graduate na din ako ngayon. I wonder kung strict si Mommy kung buhay siya ngayon or cool like my friends mothers. Sana both! Hahaaa. Sana ngayon may kabonding din ako sa pagsshopping before I remember mahilig din si Mommy magshopping, kung saan saang store siya napasok kasama ako. Ang hirap kasi minsan mamili ng mag-isa ka, wala kang mapagtatanungan and the like kaya kailangang bitbitin ko pa si Sissy Janin tuwing magsshopping ako. Hahaa! && minsan kapag sila Daddy, Pao, Coy, Louie yung kasama ko sa mall, sobrang hirap mamili kasi nasa labas lang sila ng store! Literal. Naghihintay lang sa akin. Kaloka di ba! Eh kung may Mommy ka, mas madali lang ang buhay diba? May nanay/bestfriend ka pa.

Kung pwede lang talagang ibigay ni Lord yung hinihiling ko. Magpapakabait na talaga ako. Kakalimutan ko yung mga nangyayari sa akin ngayon. Igigive-up ko ano man kung anong meron ako kahit pa love life yan basta makasama ko lang ulit Mommy ko. Wala na sigurong mas sasaya pa sa akin nun! If only God can grant my wish. :)

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.