Pages

Tuesday, December 25, 2012

Merry Christmas!

Yipeee yayowww! Tagal ko din hindi nakapag-blog. Soooo many happenings these past few days! Soooo far masaya naman lahat! Hihihihihi. Oh well, magsisimula muna ako last week Tuesday, walang morning class kasi galing sa tour yung mga classmate ko so ang class ko na lang ay panghapon na wala ding prof! Eff di ba. Pumasok pa ako! Sayang lang uniform. Wahahahaha! Tapos Wednesday, masaya kasi nakapagreport na kami and buti naman hindi na kami kinuwestyon ng prof ko. Ayun! Tapos umuwi na ako. Wahahaha! And by evening went to KC's.. Booze night! Tapos umuwi na din ako ng mga 5:00 am kasi the next day Thursday paguusapan namin ng mga kagroup ko yung para sa trip namin sa Batangas. FRIDAY! Nakaalis kami mga 3:00 pm na na dapat 12:00 pm kasi nalate yung driver namin. Wahaha! Mga 7:00 pm na ata kami nakadating ng Batangas! And Thank God! Hindi kami nahuli kasi coding yung FX. Wahahaha! SATURDAY, went to Bamboo beach.. Miming time! By evening ayun kulitan, kwentuhan. Buti na lang madali silang pakisamahan. Walang KJ and walang maarte. Ayun! Tapos epal pa tong si Umpeng, my crush back then when I was a little girl. Funny! Ineexpect niya na may gusto pa din ako sa kanya. As if naman! 2 years kasi kaming hindi nagkita. Ayun! Anong ineexpect niya diba? Madami ng nangyari sa akin at hindi na ako yung dating Loudette na kilala niya. Naging rude tuloy ako na ayoko naman talaga. Feeling ko tuloy ang sama-sama ko. Kasi pinagsaraduhan ko siya ng pinto dahil sa kakulitan niya at saka medyo nakainom na din kasi. Eww! Nakakadiri talaga! Iniisip ko tuloy bakit ko ba naging crush yun? Yuck talaga! Wahahahahaha. ANG SAMA TULOY NG UGALI KO. Nakakainis! Enough of him. By Sunday, umuwi na din kami dapat pagkauwi ko ng Manda diretso Tondo na ako kaso tinamad ako kasi super pagod sa byahe. Sakit sa pwet kakaupo! Wahahaha.

MONDAY - Christmas Eve! Birthday ni Bendita Mharj loves ko! Hihihi. Umuwi na ako ng Tondo tapos by afternoon nagkita kami ni Jhai sa SM with my baby bro Louie. Bili dapat siya ng shoes eh kaso wala na yung gusto niya kaya nag-Starbucks na lang kami. Kwentuhan and iPad tapos window shoppe, ay hindi namili rin pala ako! Wahahahaha. Contact lenses and make-ups. Yipeeee! Nakauwi na kami mga 6:00 pm na tapos mass ng 9:30 pm sa Cathedral together with Achie, Pao, Lola, Tita's and Louie. Saya lang! Pagkauwi, Noche Buena naaaaah! Merry Christmas! Hihihihi. Super busowggg lang! Dami kong nakain as in too think na wala pang kanin yung kinain ko. Lol! After that, gift giving na. Hihihihihiii. Tapos laro iPad with bros and Achie tapos tulog na. Anong oras na ako nagising kanina halos mag-12:00 pm na. Ligo tapos kain tapos wait for Tita Tin and Tito Senic and Cocoy.  Si Cocoy super late na dumating eh. Ayun! Kain kain kain, walang katapusang kain ng kain. Tapos uwi na ng Manda together with baby bro. Hanggang Monday lang siya ditow eh. Hindi na nga ako umalis ngayon kasi wala siyang kasama. Yung 2 boys as usual nasa galaan na naman. Bukas na lang ako gagala! Sasama ko na lang si Louie kung gusto niya. Hehehehehe!

Namimiss ko na si Eugene super! Kailan kaya siya uuwi? Halos mag 1 month since we last talked. Ano na kaya nangyari sa kanya? Hope he's okay. Sana umuwi na siyaaaaa! Hindi na ako makapag-antay! Nakakainis. Naiinip na ako. Ang tagal-tagal naman kasi eh! Kung pwede lang hilahin yung araw para lang makita ko na siya kagad. Minsan iniisip ko kung tatagal ba talaga ako sa ganitong klase ng relasyon yung magiintay ka ng matagal para lang makasama mo yung minamahal mo. Worth it ba talaga? Bakit kasi eto pa yung napasok kong relationship! Hindi ko akalain na ganito yung mapupunta sa akin. Dati sinasabi ko sa sarili ko na hindi ako magboboyfriend ng seaman. Ewan ko kung bakit ayoko? Basta ayoko lang. Feeling ko kasi dati parang napaka-low class or common na yung mga ganun. Ayoko kasing matulad sa kanila na ganun parang ang common kapag nagkakaboyfriend ka ng seaman. Gusto ko talaga mga Doctor, Engineer, Architect, Accountant. Hindi SEAMAN!!! Pero ewan ko ba! Kung bakit yun yung binigay sa akin ni Bro. Siguro gusto niya lang talaga ako matuto. Matutong magintay. Matuto sa buhay. Matutong maging faithful sa relasyon. Sana dumating na talaga na siya. Naiinip na ako eh. Inip na inip na ako sobra. Sana sa susunod kayanin ko pa talaga. Kasi naman mas matagal pa yata yung magkalayo kami kesa sa magkasama kami. Hindi naging maganda yung foundation ng relationship namin kasi iniwan niya kaagad ako bago pa lang kami. Buti sana kung naka-ilang months na kami bago siya sumakay ng barko pero hindi eh! WALA PA NGA KAMING 1 MONTH NUN EH! Kaloka di ba! That's effin bull. Ayoko na nga. Naiiyak lang ako eh! Sige na. Babussh! Merry Christmas! XO




































No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.